Sinimulan ko ang aking pag-iipon sa ganitong paraan. Sana magamit mo rin para ikaw ay makaipon ng iyong pang-puhunan.
Heto ang mga sumusunod na paraan:
1. Bumili ng Alkansya, at simulang mag-impok dito ng parte ng iyong pinagkakitaan.
2. Mula sa iyong pinagkakitaan, kumuha ng 5% hanggang 10% nito at ilagay sa iyong alkansya.
3. Kung puno na ang iyong alkansya, maari mo na itong buksan.
4. Kapag nabuksan mo na, magbukas ka ng ATM Account, tatawagin mo itong Capital Account.
5. Upang masiguro na hinding hindi mo gagamitin ng hindi sa iyong layunin ang pera sa Capital Account, ipatago ang ATM sa isang kaibigan,
6. Ang password ay para sa iyo lamang, ATM lang ang para sa iyong kaibigan.
7. Magbigay ng kondisyones sa kaibigan kung kelan at papano mo lang pwede gamitin ito.
8. Kapag naipon mo na ang iyong tinatayang puhunan, antayin muna na madagdagan pa ng 30% ng iyong puhunan ang Capital Account, bago mo kuhain ang iyong puhunan na inipon. ito ay para lamang may matitira pa sa iyong ATM.. Magagamit mo rin ule ito sa susunod na iyong pag-iipunan ng puhunan.
9. Muling gumawa ng panibagong pagpupuhunanan.
10. Ipagpatuloy ang ganitong gawain.
Sa iyong paninindigan na kailangan mong mag-impok, dapat ay maging matatag sa iyong layunin: Na kailangan mong maka-ipon ng iyong pang-puhunan! Sa tulong ng iyong kaibigan na humahawak ng iyong ATMs, mapipigilan mo ang iyong sarili na gamitin ito ng hindi sa tamang panahon.
Sana nakatulong ako sa iyong layunin.
Sa iyong paninindigan na kailangan mong mag-impok, dapat ay maging matatag sa iyong layunin: Na kailangan mong maka-ipon ng iyong pang-puhunan! Sa tulong ng iyong kaibigan na humahawak ng iyong ATMs, mapipigilan mo ang iyong sarili na gamitin ito ng hindi sa tamang panahon.
Sana nakatulong ako sa iyong layunin.
sa aking tinataya, sa mahabang panahon kakayanin nating magawang mismo ang ating negosyo ang siyang mag-iipon para sa atin. Kailangan lamang gagawan mo ng sistema ito .
ReplyDelete