Thursday, October 3, 2013

Paano Ako Magiging EntrePinoy?

ENTREPINOY

Paano nga ba ang maging EntrePinoy?  Ito ay matagal ko ng pinag-iisipan, may mga ideyang dumadating sa akin, na maaaring magamit pang negosyo, pero sa dahilang wala akong puhunan, nanatiling mga ideya ang mga iyon.

May nabasa akong eBook na gawa ni +Khoa Bui, isang entrepreneur, nabanggit niya na puwedeng magsimula sa paggawa ng Blog na katulad nito.  Matagal na akong gumagawa ng blog, pero hindi ko inisip sa ganitong paraan.  Noon ang naisip ko lang ay isulat ang aking mga naiisip, pero minsanan lang, at hindi pinaplano o pagtutuunan ng tamang panahon.  

Ngayon, iba na ang aking iniisip para sa paggawa ng blog.

Napag-isipan ko kung ano ang tema ng aking mga isusulat.  At napagtanto ko na ang aking paglalaanan ng mga ideyang aking isusulat ay ang mga nais kong gawin sa aking Journey bilang isang EntrePinoy.

Bibigyan ko ito ng kakaibang tono.  Gagawin kong parang ako mismo ang nagbibigay ng payo sa aking sarili.  At para bang lahat ng mga isusulat ko ay para lamang sa isang tagapagbasa--ito ay ang aking sarili.

Lahat ng aking isusulat dito ay akin din mismong Journal, mga bagay na aking pinaplanong gawin, at mga bagay na aking ginawa na nagkaron ng mabuting idinulot sa akin, o sa mga kaibigan.

Kaya sa aking isusulat, at sa aking pananaw, nais kong may ibang tao ding makakapulot ng paraan o aral para magamit din sa kanila katanungang: "Paano Ako Magiging EntrePinoy?"

Tara simulan na natin!


Alex Refuerzo

1 comment:

  1. pagkatapos ng isang taon ng pagba-blog ko marami nang nadagdag sa akin; mas nakita ko kung paano ko makukuhaan ng puhunan ang mga naisip kong inenegosyo. Ang iba ay nagamit ko na sa aking negosyo.

    Unti-unti lang na ipunin, ang goal ko talaga ay magkaron ng maraming negosyo. Na kumikita nang hindi ako kinakailangang palagiang nag-aasikaso nito. Basta tuloy tuloy lang na pag-pursigihan ito... at patuloy na maniniwala sa aking pangarap.

    ReplyDelete