Thursday, October 3, 2013

Paano ako Makakaipon ng Matagal?

Aking Sariling Pag-iipon

Nabanggit minsan sa akin ng aking kaibigan na gusto niyang mag-ipon ng pera para sa kanyang Savings.  Hindi ko man sinasadya, pero ako rin ay naintriga kung pano nga ba.  Sa aming kuwentuhan nagkasundo kami sa isang problema:  paano kami makakaipon ng matagalan, nang hindi namin biglaang kukuhain ito ng wala sa panahon, o sa maling dahilan.  


May mga ilang araw ding lumipas, pagkatapos ng aming pag-uusap.  At dumating ang araw ng aking suweldo, pumunta ako sa isang ATM para mag-withdraw. Pagkatapos kong ma-withdraw ang perang kailangan ko, at saktong pagtalikod ko sa ATM, biglang may ideya akong nakita.  Sa mga sumunod na araw, pinagmunian ko pa ito at pinagyaman.


Pagkalipas ng isang linggo mula ng huli naming pagkikita ng aking kaibigan, ibinahagi ko sa kanya ang aking nagawang solusyon sa aming magkaisang problema. At humingi ako ng iba pang suhestyon sa kanya.


Sa ibaba ang aming nabuong 10 paraan:




Sampung Paraan ng Mabuting Pag-iipon


1. Maglaan ng 2 alkansiya. isa para sa Savings, at isa para sa Capital.



2. Ang Savings Alkansya ay iyong gagamitin para lamang sa emergency, tulad ng pagkawalan ng trabaho, o kaya nagkasakit na kailangan maospital, o iba pang mabuting dahilan na iyong mapagkakasunduang itatalaga.

3. Ang Capital Alkansya ay iyong gagamitin para lamang sa pag-iipon ng iyong pupuhunanin. halimbawa, ikaw ay mangangailangan ng P8,000 para puhunan sa buy and sell.

4. Antayin na ang alkansya ay mapuno, at kung ito ay napuno na, isa man sa kanila o ng sabay ay idideposito mo na sa bangko.

5. Sa bangko, magbukas ka ng ATM Accounts, dito mo ilagay ang mga naimpok mo sa mga alkansiya.

6. Para sa dalawang alkansya, magbukas ka ng 2 ring ATM Accounts:  Isa para sa Savings Account; at isa para sa Capital Account.  Ngayon, ito na ang itatawag mo sa mga naimpok mo.   Mainam na 2 magkaibang bangko ay iyong pagbubuksan para sa mga naipon. (Maaari din namang, mismong sa ATM Bank Account mo na simulan, kahit hindi na mag-alkansya).

7. Pagkatapos mong makuha ang 2 ATMs, humanap ng 2 tao na iyong mapagkakatiwalaan. ipatago mo sa kanila ang ATM isa bawat tao.  Huwag mong ibibigay ang ATM password sa kanila, para hindi nila magagamit ang laman nito.

8. Maari mong ipatago ang iyong mga ATMs sa mga kaibigan, maliban sa iyong pamilya.  Dahil kapag nagdesisyon din ang iyong pamilya na inyong kuhain ang pera, hinding hind mo na mapipigilan ito. Kailangan maging matatag ka sa iyong pagtatalaga ng iyong naimpok.  Kung ito ay para sa puhunan lamang, gawing sa puhunan lang ito, at hindi para kung saan.

9. Sa pagpapatago ng iyong ATM sa mga kaibigan, Abisuhan mo sila na may kundisyones ang mga ito para iyong magamit. Hallimbawa, Para sa Capital Account, kung nakaipon ka na ng iyong tinatayang puhunan, maaari mo nang i-Withdraw ang pera. ngunit, panatilihing may matitirang pera dito.

10. magpatuloy sa pag-iimpok, at patuloy na ulit ulitin ang ganitong Habit.


Pagkatapos Makaipon

Makalipas ang ilang buwan, ang kaibigan ko ay nagkuwento sa akin na nagawa niya ang pinaglaanan ng kaniyang pinag-ipunan.  Nagawa niyang makapagpaayos ng kanilang bahay.  Naibili niya ng materyales na kakailanganin sa pagpapaganda ng bahay nila.

Sa akin naman, sa aking pinag-ipunan, nakag-ipon ako ng aking pinang puhunan para sa pagiging distributor ng magandang Health Products.

Sa ganitong paraan, sa aking paniniwala ay mas makakaipon tayo ng mainam, at sa tamang panahon.  Gawin ito at siguradong makakamit natin ang munti o malakihang tinatayang pagkaka-ipunan.

1 comment:

  1. Hanggang ngaun gamit ko pa rin ang sistema nang paggamit ng ATM sa pag-iipon - at talagang nakakatulong

    ReplyDelete