Sa tuwing umiikli ang araw bago dumating ang suweldo, siya namang pag-haba ng listahan ng ating mga pagkakagastusan.
Dahil sa sobra ang ginagastos, lagi na lang tayo nagkakaron ng pagkukulang sa pinansiyal.
Tulad mo, ako rin ay dumaan sa ganitong sitwasyon. Nagbigay ako ng budget, pero di ko rin nasunod; at parang pakiramdam ko na kahit masunod ko man ay kulang pa rin.
Pero nakahanap ako ng solusyon!
Nabasa ko ang libro ni +Robert Kiyosaki, sinabi niya na dapat kong tingnan sa ibang angulo ang konsepto ng pagbuo ng budget.
Dalawang bagay daw ang pagbuo ng budget:
1. Budget Deficit
2. Budget Surplus
Karaniwang ginagawa natin ay Budget Deficit. Pero ang nararapat na gawin ay ang Budget Surplus!
Ang Budget Deficit daw ay laging nagdadala sa ating na kailangang gumastos sa mga bagay na maaring hindi naman natin kailangan. At nagtutulak sa atin na magtipid para sa sarili.
Sabi ni Robert, hindi naman dapat tayo ay magtipid para sa sarili, bagkus dapat nating gawing unahin nating bigyan ang ating sarili, o pay yourself first, aniya.
Budget Surplus
At sinabi niyang ganito ang pagkakasunod na pag-importante ng pagkakagastusan
1. Ikapu
2. Savings
3. Capital o Puhunan
4. Taxes
5. Mortgage
6. Living Expenses
7. Utilities
Budget Deficit
Sa kadalasan, ginagawa natin ay ganito
1. Taxes
2. Utilities
3. Mortgages
4. Living Expenses
5. Savings
6. Capital o Puhunan
7. Ikapu
At sa maraming pagkakataon, hindi na umaabot ang ating suweldo sa huling tatlo.
Dapat daw nating isaayos ang ating prioridad na tulad ng sa itaas (Budget Surplus; Pay yourself First!)
Kapag ganito ang ating ginawa, siguradong mas madadagdagan ang iyong pera, sobra pa sa iyong pagkakagastusan.
Ngunit, ang ibig sabihin ng "Pay yourself first" ay hindi ibig sabihin bumili na kaagad ng mga bagay na sa tingin mo ay gusto mo. Ang unang tatlo: Ikapu, Savings, Capital, ay mismong mga bagay na magagamit mo ng tunay para makapaglaan ng ipangbibili mo ng kagustuhan mo paglaon.
|Ano ang ibig kong sabihin dito.
Ang Capital o Puhunan.
1. Kapag nakaipon ka ng puhunan, maari kang makabuo ng negosyo na makapagdadagdag ng iyong kinikita o Cash on Hand.
2. Kapag mataas na ang iyong kinikita sa iyong nabuong negosyo, maari mo nang bilhin ang mga bagay na gustong gusto mo.
Ang Savings
1. Kapag nakaipon ka ng Savings, may magagamit kang pang-gastos sa kalamidad, pang-ospital, pang-gamot, at higit sa lahat gastusin kung ikaw man ay mawalan ng trabaho.
2. Kung maiipon mo ang 6 na buwang gastusin, kakayanin mong mabuhay ng 6 na buwan habang ikaw ay naghahanap ng bagong pagtatrabahuan.
3. Kung ikaw ay nagnenegosyo na, ang anim na buwan mo ay maari mong gamitin na Back up kung sakaling hindi ka pa kumikita sa iyong negosyo.
Ang Ikapu
1. Ito ay ayon lamang sa paniniwalang ang Diyos ang ating kasama sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Ibig sabihin, siya ay ating Katuwang sa ating pinagkukuhaan ng ating pinagkakakitaan, maging sa trabaho o negosyo.
2. Ang ibig sabihin ng ikapu ay 10%, pero maaaring ito ay mas higit pa, o naaayon sa iyong pananalig na ang iyong ibinibigay ay nararapat.
Ang konseptong Budget Surplus ay naglalayong magdadagan ang iyong kaperahan (Surplus, ibig sabihin Sobra sobra). Hindi tulad ng Budget Deficit na naglalayong isakto lamang ang ating pinagkakakitaan sa pagkakagastusan.
Kung higit sa aking pagkakakitaan ay mapupunta sa Savings, Ikapu at Capital, Paano, naman kung kakapusin ka na sa mga bayarin sa Utilities?
Basahin mo ang aking blog na: Anu ang Aking Gagawin Kung Kinakapos na Ako sa mga Bayarin?
isang taon na ang nakalilipas at may mga kaibigan na akong natutong mag-Budget Surplus. Bukod sa akin, sila rin ay natulungan nito.
ReplyDelete