1. Magdagdag ng Mapagkikitaan
2. Magbawas ng gagastusin
Sa dalawang nabanggit, naayon din dito ang nabanggit ni +Robert Kiyosaki na Budget for Surplus, at Budget for Deficit. magkatugma ang unang nabanggit (1&2) sa huli.
Ang mainam na gawin ay Budget for Surplus. at Magdagdag ng Mapagkikitaan. Sisimulan mo ito sa pagsasaayos ng prioridad ng pagkakagastusan. Heto ang pagkakasunod ayon sa prioridad:
Budget for Surplus
1. Ikapu
2. Savings
3. Capital o Puhunan
4. Taxes
5. Mortgage
6. Living Expenses
7. Utilities
Sa pagkakataon ito, dahil huli ang iyong Utilities, maaring kakapusin ka na sa pambayad mo sa:
1. Kuryente
2. Tubig
3. Cable TV
4. Telepono
5. Cellphone
6. Internet
Pero, hindi ito dahilan para matakot. Kung gagawan mo ng paraan na madagdagan ang kabuuang kinikita, at uunahing bayaran ang Ikapu, Savings, Capital, ito ang maaaring mangyari sa iyo:
1. May maiipon ka para sa mas importanteng pagkakagastusan:
(a) panggastos kung sakaling ikaw ay mawawalan ng trabaho (6months savings).
(b) pang-puhunan para sa negosyong makapagdadagdag ng pagkakakitaan.
2. Mas mahahasa ka sa larangan ng paghawak ng kaperahan
(a) dahil ikaw ay sasabak sa negosyo, mas gumagaling ang iyong paraan para kumita
(b) kahit na ikaw ay hindi kumita sa unang pagkakataon, mas magiging matalino ka sa
susunod.
3. Lalawak ang iyong pagiging maparaan
(a) makikita mong hindi husto ung laging nakadepende lamang sa iyong suweldo na
limitado.
(b) dahil may paraan ka na, mas magagawa mong palakihin pa ang iyong kinikita sa
abot ng iyong makakaya o gustong mangyari.
(c) sa kalaunan, mas lalong palago ng palago ang iyong pagkakakitaan, dahil padagdag
ng padagdag ang iyong kaalaman para mas maging magaling na negosyante.
Magdagdag ng Mapagkikitaan
Ngayong naisaayos mo na ang iyong prioridad ng pagkakagastusan, ikaw naman ngaun ay handa ng magdagdag ng Mapagkikitaan.
Dahil sa iyo ng napagtanto na mas mabigat ang kapakanan ng pag-Budget for Surplus, maaari ka ng magipon para sa Savings at Capital.
At sa panahong may puhunan ka na at nakaipon na ng savings, hindi tatagal ang 6 na buwan o isang taon, maari ka ng mag-resign sa trabaho. At sa pagresign mo, hinding hindi mo na babalikan ang mabuhay ng nakadepende sa suweldo na laging limitado, at nag-aantay ng di mapunang pagkakagastusan.
kung patuloy akong mag-iipon para sa mga pupuhunanin ko sa aking magiging negosyo -- lalong nagagamit ko ang "law of compounding"
ReplyDeletedahil sa tinatantya ko na balang araw hindi na rin ako ang mag-iipon ng puhunan kungdi pati ang mga mismong negosyo ko na rin ang mag-iipon para manganak ng panibagong negosyo