Isang bagay na napakagandang gawain ng isang Negosyante ay ang patuloy niyang pag-susumikap na makatulong sa mga taong kanyang nasasakupan. Naniniwala siya na ang kanyang pinag-dadaanan sa buhay ay may kinalaman para sa pagtulong nya sa hinaharap.
Bilang isang negosyante, nakita ko na mas may malaking naibabalik sa akin nang ilang doble kapag ako ay nakakatulong. Naniniwala ako na sa pagtulong o pag-resolba ng mga problema ng mga kliyente ko ay isang bagay na napakaimportante. Oo nga ako ay nagnenegosyo para kumita, pero sa tuwing may naidadagdag akong value para sa kanila, mas nagiging bihasa ako sa aking pagnenegosyo.
Sa pagtulong, nakikita ko na mas may magandang potential na makabuo pa ng mga bagong paraan. Ang negosyante mula pa noong panahon ay ang mga tao na nagdadala ng mga nakakamanghang pamamamaraan, o teknolohiya, dahil laging nasa harapan nila ang walang katapusang pag-subok ng buhay--maging para sa kanila o sa ibang tao.
Iyan ang kakayahan ng isang negosyante at ang kanyang potential na mas makatulong sa mas nangangailangan.
Gusto kong i-share ang video na ito na gawa ng INTEL. Napapaloob dito ang kakayahan ng isang negosyante at ang kanyang potential para tumulong.
Kung iyong nagustuhan mo ang video na ito, i-share mo rin sa iba na maaring ma-inspire na maging EntrePinoy ding katulad mo.
THE POWER OF ENTREPRENEURS
ang blog kong ito, ang Pinoy Rich Dad, at ang negosyong pinaglalaanan ko ng panahon ay ang mga instrumento na aking pinagyayaman para magawa ko ring mang-inspire ng mga tao na gamitin ang kanilang passion para magtayo ng negosyo.
ReplyDelete