Pwede kaya na iba ang mangyari?
Na ang naririnig natin ay "anak mag-ipon ng pera, at palagiang humanap ng pagkakataon na ikaw ay kikita, at siguradong pagkatapos mo ng kolehiyo, kakayanin mo nang magsimula ng iyong sariling negosyo, o kumpanya"
Hindi ba't napakagandang pakinggan?
Ganito kaya ang gawin natin para sa ating mga anak. Tulungan kaya natin silang makaipon ng magiging puhunan nila. At tulungan na rin natin sila na magsimula ng kanilang negosyo.
Sa tingin ko sa ganitong pananaw sa buhay mas mapapaganda natin ang pamumuhay ng ating mga anak at ng kanilang mga magiging mga anak pa.
At mismong tayo rin ay matututo na makagawa pa ng mas makakabuting paraan para sa ating negosyo.
May iba naman sa atin na hindi pa naman nag-nenegosyo, at maaaring isipin na "anung maituturo ko kung ako mismo ay gusto ring matuto sa negosyo?" Aba edi mas lalong maganda, dahil hindi lang ikaw ang matututo, pati na ang iyong mga anak.
Isipin mo na ang pagnenegosyo ay isang anak mo rin. Aalagaan mo ito hanggang sa lumaki. Matututo kang gumapang, mag-aral, makinig, makisalamuha, mag-obserba, mag-saayos ng iyong kaperahan, gumastos ng tama, malugi, mag-isip, magsilbi sa mga di mo kakilalang tao, at marami pang iba na makakatulong sa paghubog sa iyong pagiging isang negosyante.
Napakaganda kung ang kinabukasan ng iyong mga anak ay maisasaayos mo. Dahil nag-simula kang matuto na mag-negosyo at naisama mo ang iyong pamilya.
May isa akong nakitang video na gusto ko sanang mapanood mo. Ang nagsalita d2 ay naniniwalang maganda ang kinabukasan ng ating mga anak kung sila ay tuturuan nating maging Entrepreneurs.
Sana ay magustuhan ninyo.

Cameron Herold: Let's raise kids to be entrepreneurs
pangarap ko na mapalibutan ng mga negosyante -- mga pamilya ko at mga kaibigan.
ReplyDeletePangarap ko na magkaron ng isang negosyo na tutulong sa mga tao na magtayo ng negosyo at kung paano nila ito pagyayamanin pa.