Napag-isipan ko ng matagal kung anu-ano ang aking gagawin para ako ay maging EntrePinoy. Pinagsikapan kong magbasa-basa ng mga libro, blogs, newspapers, ebooks, web articles at marami pang iba.
Sa lahat lahat, may nagawa akong plano para sa akin. Naniniwala rin ako na maari din itong magamit ng katulad mo na nais ding maging EntrePinoy.
Isinulat ko ito sa istilong nagbibigay ng instruksiyong sa isang tulad ko. Kaya makikitang nakatuon din ng pagsasalita sa bumabasa.
Heto ang isinasaad ng aking pinaplano:
Pagsasaisangtabi ng Pinagkakitaan
1. Magtalaga ng dalawang alkansya na may pangalan ang bawat isa (1) Savings (2) Capital.
2. Mag impok ng parte ng iyong pera kada kinsenas para sa iyong Savings.
3. Mag impok ng parte ng iyong pera kada kinsenas para sa Capital.
4. Sa bawat suweldo na iyong makukuha maglagay ng 10% ng iyong kinita at itabi ito sa Saving at Capital (20% ang kabuuan).
halimbawa sa isang kinsenas
suweldo P5,000 x 10 % = 500 Savings
P5,000 x 10 % = 500 Capital
P1,000 (20%)
6. Hindi kinakailangang 10 % kaagad ang iyong panimulang kukuhain sa iyong suweldo. Pupuwede itong 3% hanggang 10%; sa ibang pagkakataon maaari namang higit sa 10% ang iyong ilalagay sa Savings o Capital.
Pag-iipon para sa Savings
1. Gagamitin mo ito sa pagkakataon lamang na ikaw ay nawalan ng nang pinagkakakitaan
2. Hahayaan mo lang ito nang hindi ginagastos kundi sa kundisyon lamang na wala ka ng paggagamitan para sa:
a) Pagkain kung wala na talagang mapagkukuhaan.
b) Panbili ng gamot o panghospital (kung talagang wala nang mapagkukuhaan
o wala ka ng pinagkakakitaan.
3. Ito ang iyong kaperahan na huling huli sa lahat ng iyong mapagkukuhan.
4. Kung gagamitin mo ang Savings, gumamit ng para lamang sa:
(a) Pampagamot, o pampahospital
(b) Pagkain sa pang-araw araw hanggat wala pang pinagkakakitaan
5. Kung sakali mang magagamit mo ang kaperahan sa Savings, siguraduhing may maititira kang 25% ng kabuuang naipon. gagamitin mo ito para sa panimulang kaperahan sa iyong Savings.
6. Ang mabuting savings ay 3 hanggang 6 na buwang gastusin. sikapin na mapanatili ang ganitong kaperahan; kapag nagwa mo na napapanatili ang ganito, maari mo nang ipasa sa Capital ang dapat para dito. Mas makabubuti ito dahil maaari mong madoble ang halaga kapag magagamit para sa puhunan sa negosyo.
7. Kung sa tingin mo ay dapat mong ilagay na sa banko ang iyong naipon, gawin mong tig-isang banko o atm sa Savings at Capital. ang mga ito ay tatawagin mo na iyong Savings Account at Capital Account.
8. Para iyong masigurong hindi-hindi mo magagalaw ang iyong mga ATM Accounts, gawin mo ang sumusunod:
(a) alamin ang password ng dalawang accounts.
(b) Humanap ng mapagkakatiwalaang kaibigan, huwag ang iyong asawa, at ipatago sa kanila ang mga ATMs. ngunit hindi mo ibibigay sa kanila ang password.
(c) bigyan mo sila ng kundisyones sa kung kelan mo lang pwede kuhain sa kanila ang ATM. sa ganitong pagkakataon, hindi mo magagalaw ng wala sa panahon ang iyong perang iniipon.
(d) ngaung hindi mo na ginagamit ang alkansya, sa tuwing ikaw ay mag-iimpok, sa mismong banko mo na itutuloy ang iyong dalawang 10% ng iyong suweldo.
Mga Mapagkakaperahan
(ayon sa pagkakasunod ng pagkukuhaan)
(1) Negosyo
(2) Trabaho
(3) Utang
(4) Bentahe
(5) Sanglain
(6) Savings
Pag-iipon para sa Capital
1. Gagamitin mo ito para lamang sa pampuhunan.
halimbawa: buy and sell; cellphone loader; bigasan; atbp
2. Bilangin ang naiimpok ayon sa tinatantiya mong pupuhunanin
halimbawa: Puhunan P7,500 para sa buy and sell.
3. Siguraduhin na kapag hinati mo sa apat ang kaperahan dito ay ung ikatlong hati (75%) ay katumbas ng puhunan na iyong gagamitin. ang natitirang ikapat ng hati (25%) ay maiiwan muli para sa susunod na iyong pampupuhunanan.
Halimbawa: P10,000 kabuuang naimpok
P 7,500 ikatlong hati (75%)
P 2,500 ikapat na hati (25%)
4. Alamin muna bago mo gamitin ang puhunan kung may maibabalik ba sa iyo sa maagang panahon (Return on Investment). ito ba ay maibabalik sa loob ng isang buwan, dalawa o isang taon. tandaan mas mabilis maibalik, mas makabubuti.
5. Tandaan ang Law of Compounding: kung sa bawat pagkakataon ay madodoble mo ang iyong kaperahan.
Halimbawa: 1 - 2 - 4 - 8 - 16 - 32 - 64 - 128 - 256 - 512 - 1,024 - 2,048 - 4,096 - 8,192 - 16,384 - 32,768 - 65,536 - 131,072 - 262,144 - 524,288 - 1,048,576 - 2,097,152
6. Ang iyong P1 sa una ay magiging ganito na (P1,048,576) sa patuloy na pagdoble ng pinupuhunan mo sa ika-21 pagkakataon. mangyayari lamang ito kung ang iyong puhunan ay hindi mo ginagastos, at ito ay iyo lamang ginagamit na pangpuhunan ng paulit-ulit ng padoble ng padoble.
7. Kung ang pagdobleng ito ay magagawa mo sa loob ng 2 taon, anu pa kaya ang iyong makukuha sa pagdating ng ika-3 o ika-10 taon?
8. Kung kukuha ka ng negosyo, ang iyong pinaka patutunguhan ay ang negosyong pupuwede mong iwanan, o ung hindi kinakailangang ikaw ay nandun para kumita. gagawin mong pag-aari ang negosyong ito, at hindi empleyado ng sarili mong negosyo.
9. Kapag nagawa mong magpahinga o iwanan ang iyong negosyo at patuloy na kumikita ito; nagampanan mo na ang tinatawag na Financial Freedom.
10. Upang mas magamit mo ng sobra-sobra ang law of compounding, muli kang magtayo ng panibagong negosyo, hanggang sa muli ito ay kaya mo nang iwanan at magpatuloy muling magtayo ng negosyo...
11. Katulad din ito ng mga bilang na nakasulat sa itaas. sa ika-4 na pagkakataon ang negosyo mo ay maaring maging 8 na!
12. Dahil sa nagampanan mo na maging isang tunay na mayaman, gawin mo ring maibalik ang iyong mga nakamit.
13. Maaari mo itong maibalik sa sumusunod:
(a) pagtatayo ng Foundation, na ang layunin ay tumulong sa nangangailan; ikaw na ang makapagsasabi kung ano ang klase ng mga nangangailangan.
(b) kung ikaw ay may pinananalig sa Diyos, maari mo ring magbalik ng kayamanan ayon sa iyong nakikitang nararapat ibigay. sa bahaging ito ang aking mungkahi sana ay iyong simulan sa unang pagkakataon na ikaw ay kumikita na. kahit na maliit, ito ay magandang gawain. sa paniniwalang ang pinagmulan ng lahat ay sa Diyos,
(c) Magtayo ka ng negosyo na naglalayong magturo sa mga katulad mo, na nagnanais ding makarating sa iyong kinalalagyan ngayon.
(d) maging isang tagapagsalita sa mga grupo ng tao na nagnanais ding yumaman gaya mo.
Hindi ko sinasabing ito ay saktong saktong magandang gawin. Dahil alam kong sa mga darating na pagkakataon, maaaring baguhin ko ito para sa mas makabubuting paraan. Maari ding, hindi na kinkailangang daanan pa ang iba sa mga ito.
Ito ang aking pinaplano sa aking Journey para maging EntrePinoy.